^

Bansa

2 Kongresista, 3 pa guilty sa graft

- Nina Butch Quejada at Angie dela Cruz -

Dalawang kongresista sa Oriental Mindoro at tatlo pang iba ang hinatulan ng guilty ng Sandiganbayan dahil sa umano’y katiwa­lian.

Sina Oriental Mindoro 2nd District Rep. Alfonso Umali Jr. at 1st District Rep. Rodolfo Valencia ay napa­tunayang lumabag sa Section 3-E at Section 3-G ng Republic Act 3019 o ang Anti- Graft and Corrupt Practices Act dahil sa ma­ling paggamit ng P2.5 mil­yong halaga ng public funds noong 1994. 

Itinuloy ni Sandigan­bayan’s 4th Division chairman Associate Justice Gregory Ong ang pagdinig sa kaso kahit hindi dumalo ang dalawang mambabatas sa isinagawang promulgation sa kaso.

Agad namang nagla­gak ng tig-P30,000 piyansa ang dalawa, pero pinakan­sela ni Justice Ong at saka nag-isyu ng warrant of arrest laban sa mga ito.

Gayunman, bibigyan naman sila ng 15 days para isuko ang kanilang sarili at magpaliwanag kung bakit hindi nila sinipot ang kani­lang kaso. Nakatakda rin nilang iapela ang hatol

Kasama sa mga hina­tulan sina Jose Leynes, Alfredo Atienza at Pedrito Reyes.  

Nag-ugat ang kaso noong 1994 nang payagan nina Valencia at Umali na umutang ng P2.5 milyon si Atienza na gagamitin sa “repair, operation, at maintenance” ng kanyang bar­kong MV Ace na may ru­tang Calapan, Oriental Mindoro papuntang Ba­tangas at vice versa. 

Si Valencia ang Gober­nador noon ng probinsiya at si Umali ang Provincial Administrator.

Ang utang ay inapru­bahan naman ng provincial board presiding officer na si Pedrito Reyes gayundin ang board members na sina Jose Enriquez at Jose Leynes kahit na ang pondo ay inilaan hindi para sa naturang proyekto ng gob­yerno.

Nahaharap sa 6 hang­gang 10 taong pagkabi­langgo ang mga akusado at hindi rin sila pinapa­yagan na humawak ng po­sisyon sa gobyerno.  

Sa­mantala, uma­­asa ang da­lawang kongresista na papabor sa kanila ang desisyon oras na mag­hain sila ng apela.

Gayunman, sinabi ni House Speaker Prospero Nograles na hindi nila mapapatalsik sa Kamara ang dalawang kongresista dahil hindi pa raw pinal ang hatol ng Sandigan­ bayan.

ALFONSO UMALI JR.

ALFREDO ATIENZA

ASSOCIATE JUSTICE GREGORY ONG

DISTRICT REP

GAYUNMAN

GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

JOSE LEYNES

ORIENTAL MINDORO

PEDRITO REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with