^

Bansa

Suhulan sa CA, Justice Roxas sinibak ng SC!

- Gemma Amargo-Garcia -

Sinibak na ng Korte Su­ prema ang isa sa mga Ma­histrado ng Court of Appeals (CA )na sangkot sa suhulan sa Appellate court habang suspindido ang isa at pinagalitan ang tatlo pa.

Sa botong 12-1 sa gina­nap na en banc session ng Supreme Court (SC) kaha­pon, sinibak nito si CA Associate Justice Vicente Roxas na siyang nagpo­nente sa kaso ng Manila Electric Company (Meralco) at Government Service Insurance system (GSIS). Walang matatanggap na anumang benepisyo si Roxas

Pinasususpinde naman sa loob ng dalawang buwan si CA Associate Justice Jose Sabio dahil sa simple misconduct at conduct unbecoming of a CA justice matapos niyang kausapin ang negosyanteng si Fran­cis de Borja at di ipaalam agad kung sino ang nag­tangkang manuhol sa kanya.

Samantala pinatawan ng reprimand o pinagalitan sina CA presiding Justice Conrado Vasquez at Associate Justice Bienvenido Reyes.

Admonition naman o pinaalalahanan ng Korte Suprema si Associate Justice Myrna Dimaranan-Vidal dahil sobrang naging su­nud-sunuran ito nang pu­mayag na pumirma agad sa desisyon kahit hindi pa niya nababasa. 

Ipinapaubaya naman ng SC sa Bar Confidant ang kaso ni Presidential Commission on Good Government (PCGG) chairman Camilo Sabio dahil sa pa­kikialam sa nasabing kaso.

Inirekomenda din ng Korte na sampahan ng kaso sa Deparment of Justice (DOJ) ang negosyan­ teng si de Borja dahil sa pag­sisinungaling at panu­nu­hol kay Sabio.

Nag-inhibit naman sa pagboto sina SC Chief Justice Reynato Puno dahil ang anak ni Sabio ay emple­yado nito at si Justice Antonio Carpio dahil sa law firm ito dating nagtrabaho kung saan sila ang may-hawak sa kaso ng Meralco.

Samantala, nilinaw naman ni Atty. Midas Mar­quez, tagapagsalita ng Korte Suprema na maari pa ring umapela sa pama­magitan ng paghahain ng motion for reconsideration (MR) ang mga mahistrado.

Pero habang dinidinig ang MR ay kailangan nilang bakantihin ang kanilang mga puwesto dahil ang ipapalabas na desisyon ng SC ay kailangan agad ipatupad.

Subalit sa sandaliing paburan naman aniya ng SC ang inihaing MR ng mga Mahistrado ay maari na silang bumalik kaagad sa kanilang dating pu­westo.

Matatandaan na nag­sagawa ng imbestigasyon ang 3-man panel na binuo ng SC upang siyang mag-imbestiga sa umano’y suhulan sa mga mahistrado ng CA kaugnay pa rin sa kaso ng Meralco at GSIS noong Hulyo 23,2008 kung saan si Justice Roxas ang siyang nag ponente nito na pumapabor sa Meralco.

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE BIENVENIDO REYES

ASSOCIATE JUSTICE JOSE SABIO

ASSOCIATE JUSTICE MYRNA DIMARANAN-VIDAL

ASSOCIATE JUSTICE VICENTE ROXAS

BAR CONFIDANT

BORJA

JUSTICE

KORTE SUPREMA

MERALCO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with