Comelec walang pondo sa recall vs Panlilio

Dapat maglabas ng sariling pera ang mga nagnanais na mapatal­sik sa puwesto si Pam­panga Governor Ed Pan­­lilio kung gusto ni­lang maisulong ang recall election laban dito.

Ito ang ipinahiwatig kahapon ni Commission on Elections Chairman Jose Melo na nag­pali­wa­nag na walang sapat na pondo ang kanyang tang­gapan para sa pag­daraos ng recall election.

Ayon kay, Melo P5 mil­yon lang ang naka­laang pondo ng Co­melec para sa anu­mang recall elections bawat taon at maliit ito para ma­aksyunan ang anu­mang petisyon para rito.

Pinayuhan niya ang mga nagsusulong ng recall election laban kay Pan­lilio na humingi ng tu­long sa Malakan­yang para sa pagpa­palabas ng dagdag na pondong maaaring ga­mitin sa recall election. (Ludy Bermudo)

Show comments