Swiss trip ni GMA kinansela

Kinansela na ni Pa­ngulong Gloria Maca­pagal-Arroyo ang kan­yang biyahe patu­ngong Geneva, Switzerland na naunang itinakda para sa pag­dalo niya sa pu­ long ng World leaders na inor­ganisa ni Swiss Pre­sident Pascal Couche­pin at ng United Nations Development Program.

Si Executive Secretary Eduardo Ermita ang magiging kinata­wan ni Pangulong Arroyo sa na­sabing pu­long sa Switzerland.

Sinabi ng Palasyo na mas nais ni Pangu­long Arroyo na tutukan muna ang mga sulira­nin kaug­nay sa peace process sa Mindanao kaya hindi muna ito tutuloy sa pan­da­igdi­gang kumperen­sya. (Rudy Andal)

Show comments