Swiss trip ni GMA kinansela
Kinansela na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang biyahe patungong Geneva, Switzerland na naunang itinakda para sa pagdalo niya sa pu long ng World leaders na inorganisa ni Swiss President Pascal Couchepin at ng United Nations Development Program.
Si Executive Secretary Eduardo Ermita ang magiging kinatawan ni Pangulong Arroyo sa nasabing pulong sa Switzerland.
Sinabi ng Palasyo na mas nais ni Pangulong Arroyo na tutukan muna ang mga suliranin kaugnay sa peace process sa Mindanao kaya hindi muna ito tutuloy sa pandaigdigang kumperensya. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending























