Hamon kay Singson: Presidentiable na sabit sa pampasabog pangalanan
Hinamon kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. si Deputy National Security Adviser Luis Singson na ibun yag ang pangalan ng sinasabi nitong presidentiable na may-ari ng mga baril at pampasabog na nakumpiska sa condominium unit ng isang dating sundalo ng Philippine Marines na si ex-Sgt. Harp Cabaluna sa Mandaluyong City kamakailan.
Sinasabing gagamitin ang mga pampasabog laban sa administrasyong Arroyo.
“Kung totoo, kailangan ihabla kaagad ni Chavit Singson ang suspek na sinasabi niya para maparusahan,” pahayag ni Pimentel.
Maging si Senador Loren Legarda na napapabalitang tatakbo sa 2010 presidential elections ay nagsabing dapat tukuyin at pangalanan ang sinasabing nasa likod ng destabilisasyon. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending

















