Militar alerto sa MILF terror attack
Posibleng maghasik ng terorismo ang Moro Islamic Liberation Front renegades bilang ‘diversionary tactics’ sa opensiba ng tropa ng militar laban sa dalawang lider ng MILF na promotor sa naganap na karahasan sa North Cotabato at Lanao del Norte noong nakaraang buwan.
Ito ang ibinabala kahapon ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Alexander Yano na nagsabing muli niyang inalerto ang tropa ng militar upang magbigay proteksyon sa mga inosenteng sibilyan.
Sinabi ni Yano na mahina na ang puwersa ng MILF renegades kaya malamang na tumutok ang mga ito sa paghahasik ng terorismo matapos na lumiliit na ang grupo ng mga ito at nagkakawatak-watak pa sa walang humpay na air at ground assault ng tropa ng militar.
Sinabi ni Yano na nabawasan din ang mga sagupaan ng magkabilang panig sa Lanao del Norte, Maguindanao, North Cotabato at Sultan Kudarat habang umiiral ang Ramadan hanggang katapusan ng buwang ito.
Samantala, sinabi ni Department of Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno na handa ang pamaha laan na ipagkaloob sa Moro Islamic Liberation Front ang P25 milyong reward na laan para madakip ang mga ku mander nito na sina Ameril Kato, Abdulrahman Macapaar alyas Kumander Bravo, at Aleem Sulayman Pangalian kung isusuko sila ng MILF.
- Latest
- Trending