Kasunod ng apela at pag-aksyon ni Senate President Manny Villar, hindi itinuloy ng embahada ng Saudi Arabia ang implementasyon ng kontrobersyal na “unified contract” para sa mga OFW na patungo sa kanilang bansa.
Ipinabatid ito kay Villar ni Saudi Arabian Ambassador Mohammed Ameen Wali na tumawag sa telepono para sabihin na ipinagpaliban ang implementasyon ng kanilang bagong patakaran na paiiralin na sana noong Setyembre 1.
“Maganda itong bali- ta na tiyak na ikasisiya ng ating mga overseas worker. Nagpapasalamat ako kay Ambassador Mohammed Ameen Wali sa mabilis niyang aksyon at sa pagtugon sa ating apela,” ayon kay Villar, pangulo rin ng Nacionalista Party.
Matatandaan na sumulat at nakipag-ugna-yan si Villar sa em bahador upang hilingin na huwag ipatupad ang bagong patakaran dahil maaapektuhan ang libo-libong OFWs.
Nagkasundo silang magtatayo muna ng panel na magsasagawa ng review kaugnay sa nasabing contract scheme lalo ang mga probisyon na lubhang tinututulan ng mga OFW’s at mga manpower recruitment agencies.
Ang embahador ng Saudi Arabia ay malapit na kaibigan ng Pangulo ng Senado. (Rudy Andal)