Malaki na umano ang ibinaba sa presyo ng mga itinitindang gulay at kar- ne sa iba’t ibang lokal na pamilihan sa Kalakhang Maynila dahil sa sunud-sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo at LPG.
Mula kahapon ay umaabot sa P20-P40 kada kilo ang ibinaba ng mga gulay na nanggaling sa Baguio City na mabibili sa iba’t ibang palengke ng mga lungsod ng Metro Manila.
Maging ang presyo ng isda, karne ng manok, baboy at baka ay bahag ya ring bumaba ang presyuhan sa mga pamilihan.
Pero kung naging mabi lis ang pagbabawas ng presyo sa mga pangunahing palengke, naging makupad naman at nanatili pa rin sa dating presyo ang mga gulay at karne na nabibili sa mga naglala-kihang malls ng Metro Manila.
Katwiran naman ng mga mall owners, bukod sa mataas pa rin umano ang presyo ng kuryente at sa pag-maintain ng cooling system kabilang na ang storage para mapanati ling sariwa ang mga gulay at mga karne, pinapaubos pa raw nila ang kanilang mga dating stocks na nabili sa mataas na halaga. (Rose Tamayo-Tesoro)