^

Bansa

Mayor binigyan ng 72-oras ng PASG

-

Binigyan kahapon ni Presidential Anti-Smuggling Group chief Under­secretary Antonio Villar Jr. ng 72-oras si Labrador, Pangasinan Mayor Er­nest Acain upang mag­harap ng mga import documents para patu­nayang nagbayad ng customs duties and taxes ang mga nasamsam na imported cars, motorsiklo, big bikes at scooters sa loob ng kanyang warehouse.

Sinabi ni Usec. Villar, ang 3 araw na ibinigay na taning ng PASG para kay Mayor Acain ay sapat na para makapagharap siya ng kaukulang dokumento sa mga imported cars na Mitsubishi Eclipse model 1998, Isuzu Bighorn Wa­gon model 1994, Mer­cedez Benz model 2007, mga assorted big bikes, dirt motorcycles, scooters at 15 mountain bikes na nakumpiska sa loob ng kanyang bodega.

Winika naman ni Mayor Acain, nakahanda niyang iharap ang mga kaukulang papeles sa nasabing mga sasakyan kasabay ang paggiit na hindi mga smuggled ito bagkus ay mga legal na importasyon at naba­yaran ang mga duties at taxes.

Sinalakay ng PASG-NBI ang GIA trading na pag-aari ng kapatid ni Mayor Acain na pina­niniwalaang pinagta­ta­guan ng mga smuggled vehicles.

Inamin ni Mayor Acain sa PASG-NBI team na pag-aari niya ang nasa­bing bodega at nabili lamang nila ang mga sasakyang ito sa ibang tao subalit nabigo silang magpakita ng mga import documents at pagbaba­yad ng customs duties and taxes kaya kinum­piska ang mga sasakyan at dinala sa NBI-Da­gupan City office. (Rudy Andal)

ACAIN

ANTONIO VILLAR JR.

ISUZU BIGHORN WA

MAYOR ACAIN

MITSUBISHI ECLIPSE

PANGASINAN MAYOR ER

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

RUDY ANDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with