^

Bansa

General registration sa 2010 giit

-

Hinikayat ni Sen. Richard Gordon, may-akda ng Election Automation Law, ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng nationwide general registration ng mga botante sa susu­nod na taon bilang pag­hahanda para sa automated election sa 2010.

Sinabi ni Gordon na maaaring amyendahan ang Voters Registration Act of 1996 upang maisa­gawa ng Comelec ang general registration at magamit ng poll body ang biometrics technology upang magamit para sa mga kinakailangang im­pormasyon sa lahat ng botante.

Ang pinakahuling general registration ng bo­tante ay isinagawa noon pang 1997 bilang pagsu­nod sa itinatadhana ng Voters Registration Act of 1996.

Sa mga nagdaang eleksyon naranasan ang mga kaso ng multiple registrants at flying voters na sumukat sa integridad at kredibilidad ng resulta ng eleksyon. Ilan rin sa mga botante ay hindi nakaboto sa ilang lugar dahil sa pag­kalito sa araw ng eleksyon. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

COMELEC

ELECTION AUTOMATION LAW

META

MICROSOFT WORD

MSO

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

VOTERS REGISTRATION ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with