^

Bansa

Intramuros Admin tutuluyan ng DENR sa 'pagmasaker' sa mga puno sa Mla. Cathedral

-

Kahit makailang be­ses na humingi ng pa­umanhin ang Intramuros Administration, itutuloy pa rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagsasampa ng kaso laban dito dahil sa uma­no’y pagmasaker sa may 29 puno sa Plaza Roma sa harapan ng Manila Cathedral.

Sinabi ni Corazon Davis, executive director ng DENR-National Capital Region, posibleng maku­ long ng dalawang taon at multang P5,000 si Maria Ana “Bambi” Har­per dahil sa paglabag sa Section 3 ng Presidential Decree 953 kahit na ito ay nag-sorry sa mga paha­yagan.

Anya, bago ito ay iti­nanggi ni Harper na ipi­naputol nila ang mga punongkahoy sa natu­rang lugar kasama na ang siyam na narra trees at dalawang mahogany tree na pawang kinokonsi­derang endangered o paubos na.

Sinasabi pa umano dati ni Harper na may kulay po­litika lamang ang banta sa kanya ni Atienza dahil noong Mayor pa ito ng May­nila ay gusto na ng Alkalde na mapanga­siwaan ng cityhall ang naturang lugar.

Gayunman, nilinaw ni Davis na ang usapin ay wala sa pagitan nina Atien­za at Harper kundi ang ma­panagot sa batas si Harper dahil sa pagputol ng mga pu­nongkahoy. (Angie dela Cruz)

CORAZON DAVIS

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

META

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with