^

Bansa

DepEd execs igigisa

-

Nakatakdang ipatawag sa Senado ang mga opisyal ng Department of Education upang hu­marap sa isang imbestigasyon sa nabunyag na P150 milyon extra duty allowance na pinagpa­sasaan umano ng ilang opisyal ng DepEd.

Ibinibigay ang extra duty allowances sa mga opisyal ng DepEd na dumadalo sa mga seminar at training pero nadiskubreng pinaghahatian lamang sa mahabang panahon.

 Bawat dumadalo sa isang seminar o training ay binibigyan ng P15,000 extra duty allowances pero ginagawa lamang umanong raket sa pama­magitan ng walang katapusang pagpapaiskedyul ng mga training seminars.

 Ayon kay Senador Miriam Defensor Santiago na humiling ng imbestigasyon, halos walong beses sa isang linggo kung magpatawag ng training seminars ang mga opisyal ng DepEd bagaman opening at closing remark lang ang nagagawa.

Inihalimbawa pa ni Santiago na ang isang ordinaryong empleyado sa DepEd o casual employees na P6,000 lamang ang buwanang sahod ay halos kumukolekta ng P72,000 kada lingggo matapos magsilbing secretariat staff sa tatlong training seminar. (Malou Escudero)

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

FONT DEFINITIONS

MALOU ESCUDERO

MICROSOFT WORD

MSO

NO PARAGRAPH STYLE

SENADOR MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with