Puno at Rosales pinarangalan

Matapos kilalanin ang Pilipino Star NGAYON ng Komisyon sa Wikang Filipino bi­lang tanging pahaya­gang Tagalog na naka­pag-ambag sa pag­pa­pa­yaman ng pam­ban­sang wika, pinara­ nga­lan din ng KWF ang walong indi­ bidwal sa pangunguna ni Supreme Court Chief Justice Reynato Puno ka­ugnay ng pagdiri­wang ng Buwan ng Wika nitong nakaraang Agos­to.

Pinarangalan din ng Gawad Sagisag Que­zon sina Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales, dating Environment Secretary Heher­son Alvarez, Education Undersecre­tary Vilma Labrador – chairperson ng National Commission for Culture and the Arts; ang publisher ng Bulletin na si Don Emilio Yap dahil sa mga multilingual na publication nito tulad ng Liwayway, Banna­wag, Bisaya at Hilgay­non Magazines; Komiks King Carlo J. Caparas at asawang si Donna Villa; Chief Public Attorney Persida Rueda-Acosta; at ang beteranang anaw­nser sa radyo na si Tiya Dely Magpayo. Ang mga awardees ay ki­nilala sa kani-kaniyang mala­ king kontribusyon sa pagpapahalaga sa wi­kang pambansa.

Show comments