Wala ng survivor sa C130 – PAF

Matapos ang apat na araw na search and rescue operations ay idinek­lara na kahapon ng Philippine Air Force (PAF) na patay lahat ang dala­ wang piloto at pitong crew na sakay ng C-130 plane na bumagsak sa Davao Gulf noong Lunes ng gabi.

Pawang nagka-pira­pirasong bahagi ng na­sunog na aircraft at laman ng tao ang narekober sa crash site.

“We can’t find anything more but floating debris, that’s why this morning, we declared that there are no more survivors,” pahayag ni PAF Chief Lt. Gen. Pedrito Cadungog.

Kabilang sa idinekla­rang patay na ay sina Major Manuel Zambrano at co-pilot nitong si Capt. Adrian de Dios gayundin ang kanilang mga crew na sina Technical Sgt. Lobregas Tolentino, Staff Sgt. John Ariola, Staff Sgt. Gerry Deniosa, Staff Sgt. Felix Patriaco, Staff Sgt, Petronilo Fernandez; Staff Sgt. Patricio Romeo Gao, Staff Sgt. Aldrin Illustrisimo; pawang ta­uhan ng Philippine Air Force.

Samantala, dalawa pang sundalo ang sina­sabing lulan ng C-130 kaya lumalabas na 11 lahat ang pasahero nito.

Ayon kay Major Gen. Jovito Gamad, hepe ng Air Staff ng PAF at Chief Investigator sa naganap na trahedya, sina Master Sergeant Remegio Le­bres, kasapi ng Army’s 3rd Infantry Division at Cpl. Bernie Sabayan ng Army Scout Ranger ay sinasabing sumakay sa nasabing aircraft mula sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija bago pa man lu­mipad ang eroplano pa­tungong Davao City.

Ilang mga kasama­hang sundalo nina Lebres at Sabayan ang nagsa­sabing nakita nila ang mga itong sumakay sa C130.

Gayunman, ayaw na­mang kumpirmahin ni Cadungog ang ulat na ito matapos hindi nakita sa manifesto ang kanilang mga pangalan pero pi­naiimbestigahan na niya kung talagang lulan nga ang dalawa.

Nauna nang inihayag ng opisyal na malabo ng makakita pa ng mga survivors matapos na ma­diskubreng nasunog ang nasabing eroplano bago ito tuluyang sumabog saka bumulusok sa Da­vao Gulf.

Kaugnay nito, iniha­yag ni Cadungog na pa­pa­ rating na sa Sabado ang US Navy ship McDonald na tutulong upang ma­tukoy ang kina­roroonan ng nalalabi pang bahagi ng C130. (Joy Cantos/Ellen Fernando)

Show comments