Dinismis kahapon ng Korte Suprema ang isang petisyon ni dating Senador Francisco “Kit” Tatad na kumukuwestiyon sa pagkumpirma ng Commission on Appointments kay dating Vice President Teofisto Guingona bilang Ambasador sa China noong Mayo 2005.
Sinabi ng Mataas na Hukuman na wala nang saysay ang petisyon dahil nagbitiw na si Guingona sa naturang posisyon bukod sa wala nang justiciable controversy sa nasabing kaso. (Gemma Amargo-Garcia)