^

Bansa

P10-M smuggled electronics kuha ng PASG

-

Kinumpiska ng Presi­dential Anti-Smuggling Group (PASG) ang may P10 milyong halaga ng mga smuggled na elec­trical at electronic pro­ducts mula sa warehouse ng 3 Chinese nationals sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., ang mga Chinese nationals ay sina Juan Tan ng Mantext Marketing; Xu Zifu ng Maxing TJPRO at Power Axis Marketing at Philip Co ng Sky High Marke­ting Corp. na nangungu­pahan lahat sa Santiago Fisheries Enter­ prise bldg. sa 462 C. Pa­lanca St., Quiapo.

Hindi napasok ng PASG ang inuupa­hang bodega ni Jacky Chua dahil naka-lock ito.

Sinabi ng PASG, nakatanggap sila ng intelligence report na ang nasabing mga bodega ay ginagamit na taguan ng mga mga smuggled goods mula sa China hanggang sa salakayin ito ng PASG katuwang ang Manila Police District.

Pinayagan naman ng may-ari ng building ang PASG na magsagawa ng search ang mga awto­ri­dad sa nasabing mga bo­de­ga dahil na rin sa kautu­san ni Usec. Villar dahil sa posibleng paglabag sa Tariff and Customs Code.

Natuklasan sa mga bodega ng mga Intsik ang may P10 milyong halaga ng smuggled DVD pla­yers, iba ibang brand ng spea­kers, amplifiers at iba pang electronic products na galing sa China.

May hinala si Villar na ito ay ibinebenta sa mga sidewalk at ilang malls sa Metro Manila. (Rudy Andal)

ANTI-SMUGGLING GROUP

JACKY CHUA

JUAN TAN

MANILA POLICE DISTRICT

MANTEXT MARKETING

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with