5 patay kay Karen

Nalibing ng buhay ang lima katao habang isa pa ang nasugatan matapos maguhuan ng bundok sa naganap na landslide sa Baguio City, La Union at Benguet kaugnay ng bag­ yong Karen kahapon.

Kinilala ni Alex Uy, operation chief ng Office of Civil Defense-Cordillera ang mga biktima na sina Petra Kadatar, 72, ng Purok 7, Pinsao Village, Brgy. Tam-awan, Baguio City; at ang magkakapatid na sina Mark Anthony Somera, 1; Lester, 3 at Marvin, 10 na taga-Brgy, Antamok Ucab, Itogon Benguet at ang lolo na si Hilario Badungan, 77, ng Brgy. Porporiket, Sudi­pen sa La Union.

Sa kasalukuyan ay ba­rado pa rin ang highway sa kahabaan ng Kennon Road  patungong Baguio City at ang daan na nag-uugnay sa Baguio City patungong La Trinidad sa Benguet. (Joy Cantos)

Show comments