MOA ibinasura!
Wala ng balak ang Malacañang na pirmahan ang kasalukuyang draft ng Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) bagkus ay isang bagong kasunduan ang ilalatag.
Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita sa media briefing nito na isasailalim muna sa pagre bisa ang MOA-AD dahil na rin sa mga kaganapan sa oral argument ng Korte Suprema.
Ayon kay Sec. Ermita, inirekomenda ng Office of the Solicitor General na rebyuhin ang nilalaman ng MOA-AD bago ito lagdaan kaya hindi muna matutuloy ang pirmahan nito dahil kinakailangang magkaroon ng pagbabago sa nilalaman nitong mga probisyon para sa renegosasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Aniya, hihintayin pa rin ng Palasyo ang anumang magiging desisyon ng Kor te Suprema kung saan ay magkakaroon ng pagpapatuloy ng oral argument kaugnay sa MOA sa Biyernes.
Pero nilinaw ni Ermita na hindi naman nangangahulugan na tuluyang ibabasura ng gobyerno ang MOA kundi dapat ay rebyuhin lamang ang nilalaman nito bago muling pumasok sa renegosasyon upang balangkasin ang final draft ng kasunduan.
Samantala, iginiit ni Sen. Panfulo Lacson na dapat ding isama sakaling magkakaroon ng renegotiation sa MOA-AD ang mga Sultan at ibat-ibang religious groups sa
Ayon pa kay Lacson, ipinakita lamang ng MILF sa kanilang pag-aalburoto kaya pagpaslang sa mga sibilyan ang tunay nilang kulay at hindi dapat maaaring basta-basta ipagkatiwala sa kanila ang ancestral domain.
Nangangamba si Lacson na kapag pinagbigyan ng gobyerno ang MILF, magkaroon na naman ng bagong grupo na manggugulo sa
Kaugnay nito, kinansela kahapon ni Pangulong Arroyo ang nakatakdang expanded Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) bukas dahil ang ilang key personalities na dadalo dito ay kailangang dumalo sa oral argument sa Supreme Court.
- Latest
- Trending