Mahistrado ibinuking na may kaanak sa GSIS
Inakusahan ni Court of Appeals (CA) Associate Justice Vicente Roxas si Presiding Justice Conrado Vazquez na may interes sa kaso ng Government Service Insurance System at Meralco matapos na ibuking nitong may mga kamag-anak itong nagtatrabaho sa GSIS.
Tinukoy ni Roxas ang mga kamag-anak ni Vazquez na nagta-trabaho sa GSIS na sina Ruth Vazquez, nakatalaga sa Department Manager for Corporate Secretary Office na sumasahod ng P80,000; Jinky Vazquez, dentista ng GSIS na may sahod na P80,000; Luisa Hernandez, VP President for treasurer’s office na may sweldong P127,000 at Leny de Jesus, GSIS consultant na may sahod na P200,000.
Pinagalitan naman ni retired Justice Romeo Callejo miyembro ng panel si Roxas matapos nitong aminin na pinabasa niya ang sinulat niyang desisyon kay Justice Dimaranan-Vidal.
Kinuwestiyon ni Callejo kung bakit nito pinababasa ang desisyon gayung ito ay “highly confidential” at hindi rin umano ito miyembro ng kanyang dibisyon.
Depensa naman ni Roxas, na pinabasa laman niya ito dahil na rin sa kahilingan ni Vidal na mariin naman nitong itinanggi ang akusasyon ng una. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending