^

Bansa

Alyansang MILF-NPA, iresponsable - M’cañang

-

Hindi naging katanggap-tanggap sa Malacañang ang panukala ni exiled communist leader Jose Ma. “Joma” Sison na sumanib ang puwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Communist Party of the Philippines.

Ayon kay Deputy presidential spokesman Anthony Golez Jr., iresponsable ang sinumang makikipag-alyansa sa mga organisasyong hindi naman kinikilala ng gobyerno.

Ipinaalala ni Golez na lahat ng mamamayan ay may ‘shared responsibility” para mapaunlad ang bansa. Dapat aniyang magsama-sama ang lahat ng sector upang magkaroon ng kapayapaan sa bansa.

Napaulat noong Biyernes na inalok ni Sison ang MILF na makipag-alyansa na sa National Democratic Front of the Philippines dahil iisa lamang naman ang kanilang kaaway, ang gobyernong Arroyo.

Hinikayat pa umano ni Sison ang MILF na kalabanin na ang gobyerno dahil ginamit ang peace process para lamang maisulong ang pag-amiyenda sa Konstitusyon. (Malou Escudero)

ANTHONY GOLEZ JR.

AYON

COMMUNIST PARTY

JOSE MA

MALOU ESCUDERO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

SISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with