Libreng abogado sa mga pulis na may asunto

Magkakaroon na ng libreng legal assistance ang mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) na nasasangkot sa mga kasong sibil, admi­nistratibo  at kriminal.

Ito ay matapos lumag­da sa isang kasunduan ang National Capital Regional Police Office (NCRPO), Aida Sy Foundation at Aguila Legis Fraternity hinggil sa pagsu­long ng free legal assistance sa kapulisan.

Sa ilalim ng kasun­duan, bibigyan ng libreng legal aid ang mga miyem­bro at  opisyales ng PNP na nagkaroon ng kaso na konektado sa kanilang serbisyo.

Ang isang pulis na may kasong may kinala­man sa serbisyo ay hindi maaaring makatanggap ng promos­ yon sa ilalim ng batas ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Ayon kay PNP NCR Director Geary Barias, ang mga police officers na  nagtatrabaho ng ma­husay kung minsan ay madaling target ng harassment ng mga suspek at pamilya ng mga salarin sa pamamagitan ng pagsampa na kaso laban sa mga pulis.

Dahil sa mga kasong isasampa laban sa mga pulis ay malaki ang ma­wawala sa kanila dahil hindi sila mapo-promote at sariling pera ang ga­gastusin nila ang iba­bayad sa abogado para labanan ang kaso. (Angie dela Cruz)

Show comments