Lacson may pasasabugin!

Pinag-iisipang mabuti ngayon ni Sen. Panfilo Lac­son kung itutuloy pa ang kanyang panibagong expose laban sa Malaca­ñang dahil baka daw ito makasama sa kalusugan ni First Gentleman Mike Arroyo. 

Sinabi ni Sen. Lacson, kumpleto na ang kanyang mga dokumento para sa kanyang expose pero nag­dadalawang-isip siya kung itutuloy pa niya ang kan­yang privilege speech na matindi pa raw sa Jose Pidal chapter 1,2 at 3. 

“Kung ngayon ako magde-deliver halimbawa ng privilege speech, more or less kumpleto na ang expose. Meron na tayong mga larawan, dokumento pero matagal ko nang pinag-iisipan kung idede­liver ko ba ito, dahil baka lalong makasama sa ka­ramdam ni FG,” wika pa ni Lacson.  

Aniya, isa siyang Kris­tyano na mayroong Christian value kaya tinitimbang niya kung itutuloy pa ito dahil baka naman maka­sama pa sa kalusugan ng Unang Ginoo ang kanyang gagawing expose. 

“Consistent naman ako dyan, kapag maysakit na hangga’t maari gusto na­man nating gumaling ang maysakit, kung malakas na,” dagdag pa ni Lacson.  

Naghihinakit din si Lacson dahil bakit siya na walang pork barrel ang isinasailalim ng Malaca­ñang sa lifestyle check bukod sa gustong gamitin ng Palasyo ang kanyang dating tauhan na si Col. Cesar Mancao upang bu­hayin ang kaso ng nawa­walang si PR man Buddy Dacer at driver nito. (Rudy Andal)

Show comments