Panibagong rollback ang ipinatupad kahapon ng maliliit na kumpanya ng langis sa kanilang mga produktong petrolyo bunsod ng patuloy na pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.
Alas-2 ng hapon ng simulang magbawas ng P1 kada litro ng Unioil at Flying V ang presyo ng kanilang diesel, kerosene at gasoline na sinundan naman ng Eastern Petroleum at Seaoil dakong alas-6 kagabi.
Bandang hatinggabi naman nagbaba ng presyo ang Shell, Petron at Chevron.
Ang rollback ay bunsod sa patuloy na pagbaba ng presyo ng petrolyo sa world market na ngayon ay umaabot na lang sa $114 kada bariles mula sa pinakamataas na presyo nitong $140 noong Hunyo.
Sa kasalukuyan ay umaabot na sa P3.50 ang ibinaba sa presyo ng gasolina sa loob lang ng tatlong linggo subalit barya ito kung ikukumpara sa P17 hanggang P23 itinaas ngayong taon.
Samantala, ayon kay Ramon Villavicencio, presidente ng Flying V, aabot sa hanggang P5 kada litro ang posibleng ibaba pa ng presyo ng petrolyo ngayong Setyembre dahil sa patuloy na pagbaba ng halaga nito sa world market.
Pero, minaliit lamang ng Piston ang nasabing rollback. Lubhang napakababa anila ng P1.00 gayong ma laki na ang ibinaba ng Dubai crude na siyang pinagbabatayan ng lokal na presyuhan ng petroleum products sa bansa.
Nais ni Piston Secretary General George San Mateo na P7.00 at isang bagsa kang rollback ang ipatupad sa presyo ng krudo.
Sa ngayon, umaabot na sa P58 kada litro ang halaga ng gasolina at P56 kada litro naman sa diesel.