^

Bansa

Evacuees sa Cotabato nagsisibalik na

-

Nagsimula nang mag­sibalik sa kanilang mga tahanan ang evacuees matapos ang ‘total pullout ‘ ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa 15 barangay na sinakop ng mga ito sa ilang bayan ng North Cotabato.

Ayon kay Defense Sec­retary Gilberto Teo­doro Jr., na kasaluku­ yang nasa Cotabato City, umaabot na sa 80,000 evacuees mula sa ka­buuang 159, 123 katao ang nagsibalik mula sa mga bayan ng Libungan, Pigkawayan at Midsa­yap.

Samantala ang iba pa mula naman sa bayan ng Aleosan at Pikit ay ma­aring magbalik sa ka­nilang tahanan sa susu­nod pang mga araw ma­tapos na maalis na ng militar at pulisya ang mga booby traps, landmines, bomba at iba pang uri ng eksplosibo na itinanim ng MILF renegades.

Sinabi ni Teodoro na personal niyang ininspek­syon ang mga evacuation centers sa Midsayap, Aleosan at Pikit na ilang araw naapektuhan nang bakbakan sa pagitan ng grupo ni 105th Base Commander Ameril Umbra Kato at ng tropa ng mga sundalo. 

Tiniyak rin ni Teodoro na mananatili ang security forces sa 15 barangay na  nabawi sa MILF re­bels upang matiyak na hindi ang mga ito maka­pagsasagawa ng “repositioning.” 

Kaugnay nito, iniha­yag naman ni PNP spokesman Chief Supt. Nicanor Bartolome na kabilang sa mga kasong posibleng kaharapin ng grupo ni Kato ay robbery, multiple arson, multiple murder, destruction of property at iba pa na depende sa makakalap na ebidensya ng mga imbestigador ng pulisya. (Joy Cantos)

ALEOSAN

BASE COMMANDER AMERIL UMBRA KATO

CHIEF SUPT

DEFENSE SEC

GILBERTO TEO

JOY CANTOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with