^

Bansa

Nanalong kandidato sa ARMM polls ipoproklama ngayon

-

Umaasa ang Come­lec na maipoproklama nga­yong araw ang mga nana­long kandidato sa katata­pos na automated elections sa Autonomous Region in Muslim Minda­nao (ARMM).

Ayon kay Comelec Chairman Jose Melo, kaha­pon pa lamang ng umaga ay umaabot na sa 84 por­syento ng mga boto ang natapos nang bilangin ng ARMM Board of Canvassers.

Bunsod nito, malaki aniya ang posibilidad na bago mag-5:00 ng hapon ngayong araw ay ma­iprok­lama na ang mga nagwa­ging kandidato sa kauna-unahang  automated election sa bansa. 

Paliwanag ni Melo, kinakailangan umanong 100 porsyento munang matapos ang bilangan dahil iyon ang naka­programa sa mga machine bago ito magpa­labas ng certificate of canvass and proclamation.

Bagamat kuntento na­man sila sa naganap na halalan ay nababa­galan naman sila sa bi­langan.

Samantala, bagamat kamakalawa pa lamang ng hapon ay nagsimula nang mai-transmit ang mga boto sa Comelec main office sa Intramu­ros, Maynila ay tumanggi naman ang Comelec na magpalabas ng partial results nito upang maiwa­san umano ang pagkaka­roon ng “trending.” (Doris Franche)

AUTONOMOUS REGION

AYON

BAGAMAT

BOARD OF CANVASSERS

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN JOSE MELO

DORIS FRANCHE

MUSLIM MINDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with