Halalan bigo sa ilang barangay

Dalawang barangay sa Sumisip, Basilan ang idi­ neklara ng Commission on elections na nagka­roon ng “failure of elections”.

Sinabi ni Comelec chairman Jose Melo na di­neklara ang failure of elections sa naturang lugar matapos na magka­roon ng ballot snatching habang ibinibiyahe ang mga urna patungo sa mga polling precincts ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan.

Kabilang sa mga apektadong barangay ay ang Tumahubong at Ba­iwas na mayroong 1,896 na mga rehistradong bo­tante.

Patuloy namang ina­alam ng Comelec kung magtatakda pa ng special elections sa dalawang barangay.

Inatasan ni Melo ang Provincial Election Officer na hilingin na lamang ang serbisyo ng mga tauhan ng Philippine National Police para manilbihang BEI’s. (Gemma Amargo Garcia)

Show comments