^

Bansa

Combat pay ng sundalo giit itaas

-

Tinalakay na ng Se­nate committees on na­tional defense and secu­rity at finance ang panu­kalang batas na naglala­yong itaas ng 25 porsi­yento ang combat pay ng mga sundalo na nagka­roon ng pinakahuling in­crease 23 taon na ang nakakaraan.

Nagtataka si Sen. Ro­dolfo Biazon kung bakit nananatili sa P240 ang combat pay ng mga sun­dalo gayong ang sea   duty pay ng Navy person­nel ay 25% na ng kani­-lang base pay at ang  flying pay ng Air Force  per­sonnel ay 50% ng   kanilang base pay.

Ayon kay Biazon, ang mga sundalo ang kalimi­tang napapalaban sa   mga bandidong kalaban ng gobyerno, pero napa­kaliit ng combat pay na ka­ni­lang natatanggap.

Ipinaalala ni Biazon na noong unang idaos ang public hearing para sa panukalang pagtataas ng combat pay noong naka­ra­ang taon, wala kahit isang opisyal mula sa    De­partment of National De­fense ang dumating    sa halip ay isang sulat  ang ipinadala sa komite upang hilingin ang pag­pa­pali­ban ng hearing  da­hil ku­kunsultahin pa uma­no ang “Commander in Chief”.

Anim na araw mata-pos ang first hearing, ipinala­bas ng Pangulo  ang Exe­cutive Order No. 658 na nag-uutos ng  “com­­bat incentive pay”    na P150.00 per day, mali­ban pa sa P240 per  month na combat pay duty.

Naniniwala sina Bia­zon at ang mga senador na nagsusulong ng panu­kala na hindi pa rin sapat ang tinatanggap na com­bat pay ng mga sundalo kaya dapat makapagpa­-sa ng batas upang tu­ma-as ito ng 25 porsiyento. (Malou Escudero)

AIR FORCE

BIAZON

MALOU ESCUDERO

NATIONAL DE

PAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with