13 cellsite sa Visayas sasalakayin ng NPA

Labingtatlong Telecommunications cell­ sites ang binabalak sala­kayin ng mga re­beldeng New People’s Army sa Western Vi­sayas.

Ito ang ibinulgar ka­ha­­pon ni Major Chris Tam­pos, taga­pag­salita ng Armed Forces of the Philippines-Central Command base sa na­ku­hang intelligence report ng militar.

Dahil dito, inalerto na ni AFP-Centcom Chief Lt. Gen. Pedro In­ serto ang tropa ng mi­litar upang hindi ma­kapag­sagawa ng pana­nalakay ang mga rebel­deng ko­munista.

Sinabi ni Tampos na tinarget ng mga rebelde ang Globe da­ hil sa pag­tanggi nitong magbigay ng revolutionary tax sa NPA.

Kabilang sa mga cell­sites na planong ata­kehin ang nasa ba­ yan ng Tu­bungan, San Mi­guel, San Joa­quin, at Lam­bunao sa Iloilo; Ta­paz at Duma­rao sa lala­wigan ng Capiz.

Gayundin ang mga cellsites sa San Re­ me­gio, Valderama, at ba­yan ng Ibajay sa Antique, Mur­cia at Ca­latrava sa lalawigan ng Negros Occidental. (Joy Cantos)

Show comments