^

Bansa

Mindanao ginugulo raw, Esperon pinasisibak!

- Nina Malou Escudero at Joy Cantos -

Pinasisibak ng mga senador si Presidential Adviser on Peace Process Hermogenes Esperon Jr. dahil sa kapalpakan nito sa panukalang kasunduan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at pamumu­wersa sa mga taga-Min­ da­nao na suportahan ang Memorandum of Agreement (MOA) on ancestral domain para sa pagtatayo ng Bangsamoro Juridicial Entity (BJE) sa rehiyon ng Mindanao.

Naniniwala ang mga senador na hindi na dapat magtagal pa sa kanyang posisyon si Esperon dahil sa pinasok na kasunduan sa MILF na posibleng maging daan upang ma­ging magulo ang Minda­nao. 

“Hinihingi ko kay Pa­ngulong Arroyo na sibakin na si General Hermo­genes Esperon bilang Presidential Adviser on the Peace Process,” ani Sen. Mar Roxas.

Kinondena rin nina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel, Sen. Francis Escudero at Sen. Panfilo Lacson ang pam­babraso ni Esperon upang masunod ang kagustuhan ng Malacañang mailusot ang peace accord.

Alinsunod sa nasabing MOA, mahigit 700 ba­rangay sa Mindanao ka­bilang ang ilang lugar sa Palawan ang mapapabi­lang sa BJE na iprinopro­testa ng mga lokal na opisyal at ng kanilang mga constituents.

Nagbanta pa umano si Esperon kay North Cota­bato Vice Gov. Emmanuel “Manny” Pinol na kapag na-TRO ang MOA ay walang tulong na ma­ibibigay ang gobyerno kapag nanggulo ang MILF sa balwarte ng mga ito.

Sinabi ni Escudero na hindi maganda kung to­toong tinakot ni Esperon ang mga taga-North Cota­bato na pababayaan ng militar kapag nilusob ng MILF.

Ipinaalala ni Lacson kay Esperon na isa na itong sibilyan at hindi na pinuno ng AFP kaya hindi na umano dapat umasta pang chief of staff.

Iginiit naman ni Sen. Rodolfo Biazon na hindi lamang dapat sibakin si Esperon, kundi dapat ring palitan lahat ang mga miyembro ng Office of the Presidential Adviser for the Peace Process kabilang na ang legal panel nito na nakikipag-usap sa MILF.

Sa isang pahayag ay nanindigan naman si Es­peron na hindi magbibitiw, maliban na lamang kung si Pangulong Arroyo mismo ang magpaalis sa kanya.

Samantala sa gitna na rin ng mainit na isyu, tiniyak ni AFP Chief of Staff Gen. Alexander Yano na mana­natili ang mga sundalo sa pagbibigay proteksyon sa mga sibilyan kabilang na sa posibleng paghahasik ng karahasan ng MILF rebels sa Mindanao.

Nilinaw ni Yano na wa­lang polisiya ang AFP na piliin lamang ang grupo ng mga komunidad tulad ng mga espekulasyon laban sa lahat ng uri ng mga ban­ta sa seguridad dahil ang inuuna ng mga sun­dalo ay kaligtasan ng mga sibilyan.

ESPERON

MINDANAO

NORTH COTA

PEACE PROCESS

PRESIDENTIAL ADVISER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with