^

Bansa

Pinoy tipid na rin sa pagkain

-

Maraming bilang ng mga Pinoy ngayon ang nagtitipid o nagbawas sa konsumong pagkain dahil sa sobrang hirap ng bu­hay, kawalan ng matinong tra­ baho at pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Sa latest results ng Pulse Asia survey na isina­gawa noong July 1-14, dalawa sa tatlong Pinoy o 66 porsiyento ng mama­mayan sa buong bansa ang nagtapyas ng kanilang budget sa pag­kain.

Sa datos ng National Statistics Office (NSO), naitala na mula noong Hulyo hanggang sa ka­salukuyan ay ito na ang pinakamalaking pagtaas ng presyo ng bilihin sa loob ng 17 taon.

Mula 2.6 percent noong Hulyo 2007, pu­malo na rin ang inflation rate sa 12.2 porsiyento ngayon, habang puma­palo naman sa 19 por­siyento ang itinaas nito simula noong buwan ng Hulyo 2008.

Ayon kay Pulse Asia Executive Dir. Dr. Ana Maria Tabunda, luma­la­bas din sa isinagawa nilang survey nitong Hulyo 2008 na bu­kod sa pagkain ay nagtipid din sa load, transportasyon, edukasyon, kuryente, tubig at pagpapagamot ang maraming bilang ng Pinoy.  (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

DR. ANA MARIA TABUNDA

HULYO

NATIONAL STATISTICS OFFICE

PINOY

PULSE ASIA

PULSE ASIA EXECUTIVE DIR

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with