Probe panel sa suhulan sa CA binuo
Nagtatag ng isang komite ang Korte Suprema para siyang mag-iimbestiga sa umanoy suhulan sa Court of Appeals.
Sinabi ni Atty. Midas Marquez, tagapagsalita ng Supreme Court, na pangungunahan ng mga retiradong mahistrado ang pag-iimbestiga sa kontrobersyal na pagsuhol kay CA Associate Justice Jose Sabio ng negosyanteng si Francisco Roa de Borja.
Pangunguhan ni retired Justice Carolina Aquino ang nasabing panel samantalang miyembro nito sina ret Justices, Romeo Callejo at Flerida Ruth Remeo.
Araw-araw na magsasagawa ng hearing simula sa Agosto 7 ng taong kasalukuyan ang komite bago magsumite ng report sa Agosto 21. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending