Koleksiyon ng BIR bitin pa rin

Bitin pa rin si Finance Secretary Margarito Te­ves kahit na may paglago ang koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nga­yong taon. 

Sinabi ni Teves, ma­hu­say na ang 12.2 percent collection growth na naitala ng BIR bagama’t may iba pang mga lugar na dapat tutukan upang higit na mapalaki ang koleksyon mula sa pag­bu­buwis ng ahen­siya.

Kaugnay nito, kinilala naman ng BIR ang ilang mga pribadong korporas­yon at ahensiya ng gob­yerno na nangunguna sa pagbaba­yad ng buwis kabilang ang Panasonic Phils., Purefoods Hormel, San Miguel mills, CNSA Phils, Proctor and Gam­ble, Bureau of Treasury, Bang­ko Sentral ng Pili­pinas, PNP Region 7, DPWH Region 6 at PDIC Region 8. 

Sa mga indibidwal na­man ay kasama sa limang nangungunang tax payer ang actress-host na si Kris Aquino. (Angie dela Cruz)

Show comments