^

Bansa

Hudikatura pinasok na ng korupsiyon

- Ni Malou Escudero -

Nababahala si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. sa nabunyag na umano’y suhulan sa Court of Appeals dahil lumalabas aniya na ma­taas na ang korupsiyon sa hudikatura at nasa “door step” o pin­tuan na ito ng Supreme Court.

Ayon kay Pimentel, dapat na kumilos agad ang SC upang maresolba ang naturang problema sa CA kaugnay sa ibinun­yag ni Justice Jose Sabio na tangkang panunuhol sa kanya ng P10 milyon ni Francis Roa de Borja kapalit umano ang pag-inhibit sa kaso ng Meralco at GSIS.

“Ang sama ng sitwas­yon sa ating judicial sys­tem…ang sama ng dating sa taongbayan, right at the door step na ng SC ito eh,” sabi ni Pimentel.

Matapos ibunyag ni Sabio ang sinasabing tangkang panunuhol sa kanya, lumantad sa pub­liko si de Borja kung saan ito naman ang nag-akusa sa una na nagpresyo umano ng P50 milyon para maayos ang kaso.

Nilinaw ni Pimentel na kung talagang may mapa­patunayang tumatanggap ng suhol sa CA, nahaha­rap ang mga ito sa ordi­nar­yong ‘criminal prosecution’.

Posible rin aniya na ibigay na lamang sa ibang dibisyon ang kaso upang mawala ang intriga.

Inamin ni Pimentel na nagugulat siya sa mga ulat na nagkakaroon rin ng korupsiyon sa Court of Appeals sa Cebu pero mas nakakagulat aniya na umabot na ito sa May­nila.

Maliwanag aniya na ang korupsiyon ay nang­yayari kahit saang dako ng Pilipinas at nalalagay sa masamang sitwasyon ang hudikatura.

Sa Martes ay sisimu­lan na ng Korte Suprema na talakayin ang umano’y suhulan sa mga mahis­trado ng CA.

Nag-ugat ang kontro­ber­siyal sa CA matapos na ibunyag ni 9th division Associate Justice Jose Sabio sa kanyang liham kay Presiding Justice Conrado Vasquez noong Hulyo 26 na mayroong isang negosyante ang nagtangkang mamagitan sa kaso ng Meralco at GSIS sa pamamagitan ng pag-aalok dito ng hala­gang P10milyon upang ipasa ang kaso kay 8th division Associate Justice Bienvenido Reyes. (May ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE BIENVENIDO REYES

ASSOCIATE JUSTICE JOSE SABIO

BORJA

COURT OF APPEALS

FRANCIS ROA

GEMMA AMARGO-GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with