Evat gagawing 8%

Magkakampihan ang mga kongresista na ka­sapi sa administrasyon at oposisyon para isulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mapa­baba ang Value Added Tax na kinukuha sa ma­mamayan.

Sinabi ni San Juan Rep. Ronaldo Zamora, tatlong porsiyento ng VAT ang ibinaba sa bansang Indonesia kaya nagtataka siya kung bakit sa Pilipi­nas ay hindi ito mapa­baba para naman matu­lungan ang mga mama­mayan na salat sa kahi­rapan sa ngayon lalo’t may krisis na kinahaha­rap ang bansa.

Gayunman, sinabi ni Bacolod Rep. Monico Fuentebella, itutulak niya ang pagsipa sa EVAT hanggang nagkakaroon ng krisis sa bansa kaya naman igigiit nito na pa­babain ng 8% ang VAT mula sa 12%.

Ipinaglaban ni Pangu­long Arroyo sa kanyang talumpati sa SONA na hindi niya aalisin ang VAT dahil kapag ito aniya ay nawala tiyak maghihirap ang bansa.

Ang mamamayan ay kinukunan ng 12% VAT sa bawat binibili nito tulad ng pagkain, gasolina, gamot, pang-agrikultura at ma­rami pang iba.  

Sinabi ni Arroyo na may P4 billion halaga mula sa VAT sa langis ang inilaan niya para pon­dohan ang mga kuryente ng mga mahihirap, pa­utang at mga scholarship. 

Ipinagdiinan pa ng Pangulo, kapag tinanggal ang VAT ay may P80 billion ang mawawala mula sa mga mahihirap. 

Samantala, sinabi ni House Speaker Prospero Nograles na tatalakayin nila o pag-aaralan sa Kongreso ang pagpapa­walang bisa ng VAT sa pagkain, gamot at agrikul­tura.

Show comments