Senado di buo sa sesyon

Nabigo kahapon ng umaga ang Senado na makakuha ng perfect attendance sa unang araw ng second regular session ma­karaang hindi na­ka­sipot si Senador Miriam Defensor-Santiago.

Wala namang ibini­gay na paliwanag ang Senado kung bakit hindi nakadalo sa sesyon si Santiago bagaman isa ito sa mga miyembro ng Mataas na Kapulungan na naata­ sang manguna sa pag­salubong kay Pangulong Gloria Arroyo sa Batasan Complex para sa ika-walong State of the Nation Address nito.

Nabigo rin ang sena­do na magbukas sa tak­dang oras na alas-10 ng umaga na naging atra­sado ng 10 minuto o 10:10.

Kahit late na nang 10 minuto nagbukas ang sesyon ng Mataas na Kapulungan, nahuli pa rin ang dalawang sena­dora na sina Sen. Pia Ca­ye­tano at Sen. Jam­by Madrigal.

Si Madrigal ay naka-modernized Maria Clara na gawa ni Patis Tesoro, samantalang ang suot naman ni Cayetano ay parang si Princess Lea ng Star Wars .

Samantala, ilang be­ses nang napa-ulat na hindi sisipot si dating Pangulong Joseph Es­trada sa SONA ng Pa­ngulo bagaman nagtu­ngo naman ito sa Sena­do kung saan doon pa siya nananghalian.

Kasalo ni Estrada sa pananghalian sina Senate President Manuel Villar at asawa nitong si Las Pinas Rep. Cynthia Villar, Sen. Jinggoy Es­trada, Sen. Loren Le­garda na naka-Maria Clara; Sen. Richard Gor­don; at Sen. Alan Peter Cayetano.  (Malou Escudero)

Show comments