Ipinagmalaki ni Pa ngulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang ika-walong State of the Nation Address sa joint session ng Kamara at Senado kahapon na 50 sentimos na lamang ang halaga ng text ngayon sa cellphone.
Sinabi ni Pangulong Arroyo sa kanyang SONA na nakiusap siya sa mga telecommunications companies na baka puwedeng ibaba ang halaga ng short messaging system o text.
“Isa na sa sistema ng pamumuhay ang texting. Hiniling ko sa telecoms na hatiin ang singil sa bawat mensahe. Pumayag sila na gawin na lang itong 50 sentimos bawat text,” pagmamalaki pa ng Pangulo.
Idiniin din ng Pangulo ang kahalagahan ng Value Added Tax sa langis at kuryente.
Aniya, kapag inalis ang VAT, makikinabang lamang dito ang mga mayayaman na kumokonsumo ng 84 percent ng langis at 90 percent ng kuryente.
“Kung aalisin ang VAT sa langis at kuryente, mawawala ang P80 bilyon para sa mahihirap. Mayorya ng mamamayan ang matatanggalan ng pamamaraan para makaigpaw sa krisis sa pagkain at enerhiya,” dagdag ng Punong Ehekutibo.
Sinabi pa niya na ang windfall ng VAT ay ginagamit ng gobyerno para pondohan ang ibat ibang programa ng pamahalaan upang matulungan ang mahihirap.
Sinabi pa ng Pangulo sa kanyang SONA na nag-aalala siya sa kalagayan ng mahihirap na Pilipino kaya upang maresolba ang kanilang kahirapan ay dapat pag-ukulan ng prayoridad ito ng pamahalaan upang malutas ang kanilang problema.
Ipinaliwanag pa ni Mrs. Arroyo ang kahalagahan ng VAT kung saan ay lalong nagtiwala ang mga investors dahil mula sa P56.50 kada dolyar ay lumakas ang piso hang gang P40.20 bago nagbalik sa P44 dahil sa mga pabigat ng pandaigdigang ekonomiya.
“Kung aalisin ang VAT, hihina ang kumpi yansa ng negosyo, lalong tataas ang interes, lalong bababa ang piso at lalong mamahal ang bilihin,” giit pa ng chief executive.
Umapela naman ang Pangulo sa Kongreso na ipasa nito ang extension ng Comprehensive Agrarian Reform Program gayundin ang Consumer Bill of Rights upang protektahan ang mga consumers.
Nanindigan din si Pangulong Arroyo sa kanyang paniniwala sa natural family planning kaysa sa isinusulong na Reproductive Health bill na artificial family planning method.