^

Bansa

Text 50 sentimos na!

- Nina Rudy Andal at Butch Quejada -

Ipinagmalaki ni Pa­ ngulong Gloria Macapa­gal-Arroyo sa kanyang ika-walong State of the Nation Address sa joint session ng Kamara at Senado kahapon na 50 sentimos na lamang ang halaga ng text ngayon sa cellphone.

Sinabi ni Pangulong Arroyo sa kanyang SONA na nakiusap siya sa mga telecommunications companies na baka puwedeng ibaba ang halaga ng short messaging system o text.

“Isa na sa sistema ng pamumuhay ang texting. Hiniling ko sa telecoms na hatiin ang singil sa bawat mensahe. Puma­yag sila na gawin na lang itong 50 sentimos bawat text,” pagmamalaki pa ng Pangulo.

Idiniin din ng Pangulo ang kahalagahan ng Value Added Tax sa langis at kuryente.

 Aniya, kapag inalis ang VAT, makikinabang lamang dito ang mga ma­yayaman na kumo­kon­sumo ng 84 percent ng langis at 90 percent ng kuryente.

 “Kung aalisin ang VAT sa langis at kur­yente, mawawala ang P80 bilyon para sa ma­hihirap. Mayorya ng ma­mamayan ang mata­tang­galan ng pama­maraan para makaig­paw sa krisis sa pagkain at enerhiya,” dagdag ng Punong Ehekutibo.

Sinabi pa niya na ang windfall ng VAT ay gina­gamit ng gobyerno para pondohan ang ibat ibang programa ng pamaha­laan upang matulungan ang mahihirap.

Sinabi pa ng Pangulo sa kanyang SONA na nag-aalala siya sa ka­lagayan ng mahihirap na Pilipino kaya upang maresolba ang kanilang kahirapan ay dapat pag-ukulan ng prayoridad ito ng pamahalaan upang malutas ang kanilang problema.

 Ipinaliwanag pa ni Mrs. Arroyo ang kahala­gahan ng VAT kung saan ay lalong nagtiwala ang mga investors dahil mula sa P56.50 kada dolyar ay lumakas ang piso hang­ gang P40.20 bago nag­balik sa P44 dahil sa mga pabigat ng pandaigdi­gang ekono­miya.

“Kung aalisin ang VAT, hihina ang kumpi­ yansa ng negosyo, la­long tataas ang interes, lalong bababa ang piso at lalong mamahal ang bilihin,” giit pa ng chief executive.

Umapela naman ang Pangulo sa Kongreso na ipasa nito ang extension ng Comprehensive Ag­ra­rian Reform Program gayundin ang Consu­mer Bill of Rights upang protektahan ang mga consumers.

 Nanindigan din si Pangulong Arroyo sa kanyang paniniwala sa natural family planning kaysa sa isinusulong na Reproductive Health bill na artificial family planning method.

BILL OF RIGHTS

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with