Iginiit kahapon ng Malacanang na malaya ang sinuman na batikusin si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo subalit huwag naman babastusin dahil ito ang lider ng bansa.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Lorelei Fajardo na walang nagbabawal sa sinuman na batikusin ang Pangulong Arroyo lalo na mula sa kanyang mga kritiko subalit panatiliin din naman ang respeto sa kanya bilang chief executive ng bansa.
Wika pa ni Fajardo, batid nila na maraming grupo ang nagsagawa ng kilos-protesta sa ikawalong State of the Nation Address ng Pangulo.
Idinagdag pa ni Fajardo na mayroong tayong kalayaan sa pamamahayag at pagsasalita subalit hindi ito armas upang pagsalitaan at murahin ang Pangulo kaya dapat manatili din ang respeto sa kanyang posisyon bilang lider ng bansa. (Rudy Andal)