Robin Padilla tutol ipagpaliban ang ARMM polls
Maging ang actor at tinaguring “Bad Boy” ng Philippine Movies na si Robin Padilla ay nagpa hayag din nang pagtutol sa pagpapaliban ng automated elections sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na nakatakda sa Agosto 11.
Kahapon ay nagtungo si Padilla sa Commission on Elections (Comelec) upang lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) kung saan nangako ito ng tulong at suporta sa Voters Education Campaign na isinasagawa ng komisyon sa ARMM.
Ayon kay Padilla, na isa na ring Muslim at kilala sa pagsusulong ng peace process sa Mindanao, wala nang atrasan ang pagdaraos ng ARMM elections dahil handang-handa na umano ang lahat para sa pag-o-automate ng halalan sa rehiyon.
Bilang bahagi ng kaniyang pagtulong, magpapakalat ang aktor ng Comic Books sa mga botante sa ARMM kung saan ilalahad ang proseso nang pagboto, gamit ang mga voting machines. (Doris Franche)
- Latest
- Trending



















