^

Bansa

PASG ‘tinik’ ng smugglers

-

Ipinangako kahapon ni PASG chief Undersecretary Antonio “Bebot” Villar Jr. sa unang anibersaryo ng ka­nilang opisina na magiging ‘tinik” ng mga smugglers ang Presidential Anti-Smuggling Group (PASG).

Sinabi ni Usec. Villar, hanggang mayroong smugglers na nanloloko sa gobyerno ay mananatiling “tinik” sila ng mga ito.

Nagpasalamat naman si Villar sa kanyang mga ta­uhan dahil sa pagiging tapat ng mga ito sa kanilang tung­kulin at hindi nagpapasilaw sa “kinang ng salapi” parti­kular sa nahuhuli nilang smugglers na nais “suhulan” ang kanyang mga tauhan.

“Mananatili tayong tinik sa lalamunan ng mga smugglers hanggang naririyan sila at gumagawa ng hindi tama,” wika pa ng PASG chief. 

Ipinagmalaki din ni Villar ang naging accomplisment ng PASG sa loob lamang ng isang taong pananatili nito ma­karaang buuin ni Pangulong Gloria Arroyo upang habulin ang mga smugglers na nagpapahirap sa bayan. (Rudy Andal)

BEBOT

IPINAGMALAKI

IPINANGAKO

MANANATILI

PANGULONG GLORIA ARROYO

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

RUDY ANDAL

UNDERSECRETARY ANTONIO

VILLAR JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with