Kill plot vs GMA nabuko
Nasa Metro Manila na umano ang liquidation squad ng New People’s Army (NPA) na naatasang isakatuparan ang kill plot laban kay
Ito ang ibinulgar kahapon ni AFP-NCRCOM Chief Major Gen. Arse nio Arugay kaugnay ng pagpapakita ng ‘capability readiness ‘ o kahandaan ng Civil Disturbance Management (CDM) team ng anti-destabilization units ng AFP para sa gaganaping State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo sa Batasan Complex sa darating na Lunes (Hulyo 28).
Sinabi ni Arugay na bukod sa Pangulo target ring itumba ang mga matataas na opisyal ng gobyerno, AFP, PNP at mga VIPs.
Posible umanong isagawa ang kill plot sa SONA o matapos ang SONA.
Ayon kay Arugay, ang planong kill plot ay posibleng ganting buwelta ng mga ito sa ultimatum ng Pangulo na durugin ang communist insurgency sa bansa bago matapos ang kaniyang termino sa 2010.
Sa kabila nito, tiniyak ng opisyal ang kanilang kahandaan laban sa anumang banta sa buhay ng Pangulo at mapairal ang peace and order sa SONA. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending