^

Bansa

P2.50 dagdag pasahe hirit ng provincial buses

-

Pormal nang inilatag sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng mga operators ng provincial buses sa pangunguna ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) ang P2.50 dagdag pasahe para sa lahat ng provincial ordinary bus at P3.00 sa aircon bus.  

Ayon kay Homer Mer­cado, national president ng PBOAP, hindi na ma­ka­kayanan pa ng sektor ng transportasyon sa mga probinsiya ang epektong dulot ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, pa­tuloy na pagtaas ng ha­laga ng bilihin, spare parts at iba pang serbisyo sa pamahalaan.

Sinabi ni Mercado na tanging ang pagtataas ng pasahe lamang sa mga pampasaherong bus sa mga lalawigan ang maka­katulong upang sila ay makabangon mula sa kasalukuyang kahirapan.

Kung hindi anya ma­ak­siyunan ang giit na taas-pasahe ay mala­mang na bumaba ang bilang ng mga napasa­dang bus sa mga probin­siya na maghahatid sun­do sa mga pasahero mula Metro Manila puntang probinsiya at vice versa.

Nitong Hunyo, pinaya­gan ng LTFRB na mag­taas ang ordinary bus sa Metro Manila ng P10 pasahe at P12.50 naman sa aircon buses. Hindi kasama dito ang provincial buses. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

HOMER MER

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

METRO MANILA

NITONG HUNYO

PROVINCIAL BUS OPERATORS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with