^

Bansa

Suplay ng NFA rice sa Caloocan kulang

-

Hiniling kahapon ni Caloocan City Mayor Re­com Echiverri sa pamu­nuan ng National Food Authority (NFA) na dagda­gan ang suplay ng bigas sa lungsod dahil kulang na kulang ito para sa napaka­laking populasyon ng siyudad.

Kaugnay nito, ibinalita rin ng alkalde na nagbe­benta rin ang pamaha­laang lungsod ng Calo­o­can ng murang NFA rice sa buong lungsod sa pama­ma­gitan ng pagsubsidiya rito.

“Binibili namin ito sa NFA ng P18.25 pero ibine­benta namin ito sa tao sa halagang P16.00 lamang,” anang alkalde.

Sinabi pa ni Echiverri na ang subsidiya sa bigas ay isa sa nakita niyang paraan para maibsan ang paghihirap ng mga taga-Caloocan.

Ayon kay Echiverri, grabe ang pila ng bigas sa kanyang nasasakupang barangay kaya’t dapat na itong pagtuunan ng pansin ng pamahalaang nasyo­nal. (Lordeth Bonilla)

AYON

BINIBILI

CALO

CALOOCAN

CALOOCAN CITY MAYOR RE

ECHIVERRI

HINILING

LORDETH BONILLA

NATIONAL FOOD AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with