Lalong dumami ang mga Pilipino na nagugutom dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga bilihin.
Ito ay batay sa isang bagong survey ng Social Weather Stations kaugnay ng kasalukuyang estado ng buhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan.
Sinasabing sa nakalipas na tatlong buwan, patuloy ang pagdami ng mga taong nagugutom at walang makain mula sa may 2.9 milyong Pilipinong pamilya sa kasalukuyan.
Sinasabi sa survey na ang kagutuman ay bunsod ng kawalan ng makain ng mga Pilipino. 15.7 percent ng 2.9 milyong Pilipinong pamilya ang walang makain noong unang kuarter ng taong 2008.
Noong September 2007, nakapagtala ng 21.5 percent ng mga Pilipino ang nagugutom na naitalang pinakamataas sa kasalukuyan.
Ang naturang survey ay naisagawa mula Hunyo 27 hanggang Hunyo 30 ng taong ito mula sa may 1,200 pamilya sa buong bansa.