^

Bansa

Tigil pasada inatras na ng transport groups

-

Kasabay ng pasasalamat sa gobyerno ng mga lider ng transport organizations sa ilalim ng United Transport Koalisyon (1 UTAK) ay hindi na rin nila itutuloy ang nakatakdang malawakang tigil pasada dahil hindi na ililipat ng Department of Transportation and Communications (DoTC) sa Government Servce and Insurance System (GSIS) ang pag-iisyu ng Comprehensive Third Party Liability (CTPL) insurance sa mga Public Utility Vehicle (PUVs). 

Ayon kay Zeny Maranan, miyembro ng koalisyong 1 UTAK at presidente ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) matapos ang marathon meeting sa pagitan nina DoTC secretary Leandro Mendoza at  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Thompson Lantion, napagpasyahan na hindi na isusulong ang Memorandum of  Agreement (MOA) sa pagitan ng GSIS at DoTC na dapat ay solong hahawakan ng GSIS ang issuance ng CTPL insurance  partikular sa mga pampublikong sasakyan.  

Sa halip aniya ay mananatili ang two-group system na kung saan ang kumpanyang Passenger Accident Managers Insurance (PAMI) at Universal Transport Accident Solutions Inc. (UNITRANS) ang kikilalanin ng buong transport sector dahil sa  programa ng dalawang nabanggit na kumpanya na “All Risk No Fault Coverage” kung kayat wala ng dahilan upang ituloy pa ang naka­ ambang transport strike.  

Sa ilalim ng “All Risk No Fault Coverage” ang bawat beneficiary ay agad makakakuha ng P400,000 insurance benefits, bayad agad ang claims sa loob ng 5 araw, may 24/7 ready ambulance, may bail bond na P20,000 sakaling makulong ang mga tsuper sa di inaasa­hang aksidente. 

Samantala sinabi na­man ni ACTO president Efren de Luna, bagamat may anun­siyo na ititigil ang naka­ambang transport strike ay hindi nangangahu­lugan na nag­kakalimutan na sa iba pang isyu na ipi­nag­lalaban ng mga transport groups tulad ng ipina­ngako ng gobyerno na P2 oil subsidy, ang pa­nawa­gang alisin ang pataw na 12% EVAT sa mga produk­tong petrol­yo. (Butch Quejada)

vuukle comment

ALL RISK NO FAULT COVERAGE

BUTCH QUEJADA

COMPREHENSIVE THIRD PARTY LIABILITY

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

DRIVERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with