^

Bansa

Lab test sa produktong pampaputi gustong ipaulit ng US firm

-

Nakatakdang i-challenge ng US-based ma­ nu­facturer ng dalawang kila­lang brand ng glutathione at health supplement sa bansa, ang resulta ng laboratory test na  isinagawa sa kani­lang produkto ng isang local testing facility, na siya namang ginamit na base­han ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) upang ipa-recall ang ilang batch ng kanilang mga produkto sa mer­kado.

Ayon sa Yuminiko­deni Enterprise, distributor ng Va­niderm at United Shelter  Health Products na distributor naman ng Lucida-DS Dietary Sup­ple­ments, da­rating sa bansa ang mga res­pe­tadong eksperto mula sa Estados Unidos upang makipagpulong kay Health Sec. Francisco Duque III at pormal na hilingin na mag­sagawa ng bagong serye ng mga test sa kanilang mga produkto.

Ang mga eksperto mula sa US na nabatid na pangu­ngunahan ng chemist na si David Ji, ay nabatid na ma­kikipagkita rin kay US Ambassador Kristie Kenney upang pag-aralan ang po­sibi­lidad nang paghahain ng pormal na diplomatic protest kaugnay sa kontro­bersiya sa dalawang brand ng naturang  glutathione products.

Ang ilang batch ng produkto ng Vaniderm at Lucida-DS ay pina-recall ng BFAD makaraang hindi umano pumasa sa isinaga­wang pagsusuri ng lokal na mga eksperto sa bansa.

Gayunman, agad na nagpalabas ng paglilinaw kahapon ang BFAD na hindi ban ang mga produkto ng Vaniderm at Lucida-DS sa halip ay pinapa-recall la­mang ang ilang batch na hindi pumasa sa laboratory test.

Sa kabila ng mga black propaganda, napa­natili ng da­lawang pro­dukto ang kanilang ‘reputable standings’ sa indus­triya ng health supplement sa bansa. (Mer Layson)

AMBASSADOR KRISTIE KENNEY

DAVID JI

DIETARY SUP

ESTADOS UNIDOS

FRANCISCO DUQUE

HEALTH PRODUCTS

HEALTH SEC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with