^

Bansa

Villar wagi sa PUP presidential mock polls

-

Inilampaso ni Senate President Manny Villar ang ilang pumopormang 2010 presidentiables   ma­tapos manguna sa gi­n­a­wang mock elections ng mga estudyante ng Poly­technic University of the Philip­pines (PUP).

Sa botong 801, nau-ngu­san ni Sen. Villar sina Sen. Mar Roxas  na naka­kuha ng 534 habang nasa ikatlong pwesto si Vice Pres. Noli de Castro na may 330 boto.

Nanguna naman sa Vice Presidential post si Sen. Loren Legarda sa botong 921. Nasa ikala­wang puwesto si Bata­ngas Gov. Vilma Santos-Recto, 358 boto at pu- ma­ngatlo si Sen.Jing-   goy Estrada sa naku-  hang  342.

Bagama’t sina Villar, Roxas, de Castro, Legar­ da, Santos-Recto at Es­trada ang mga pinagpi-   lian sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo, lumabas naman ang pa­ngalan ng talunang pre­sidential candidate na si Eddie Gil sa presidential post sa botong 65.

Hindi nakasama sa mga pinagpiliang kandi­dato ang iba pang matu­tunog na presidentiables na sina Sens. Chiz Escudero at Panfilo Lac­son.

Bagama’t ikinatuwa   ng kampo ni Villar ang resulta ng PUP presiden­tial mock elections, kaagad naman nitong iginiit na trabaho muna ang kan­yang inaasikaso dahil sa 2010 pa ang halalan. 

Ang mock elections ay ginawa mula Hulyo 11-12 sa kampus ng PUP. Ang mga estudyanteng luma­hok ay kumukuha ng mga kursong Political Science at Public Administration. (Butch Quejada)

vuukle comment

BAGAMA

BUTCH QUEJADA

CHIZ ESCUDERO

EDDIE GIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with