Inirekomenda kahapon ng isang mataas na opisyal ng Malacañang na itigil na ang paggamit ng maraming sasakyan sa convoy ng mga miyembro ng Gabinete bilang pakikiisa sa isinusulong na pagtitipid ng gobyerno.
Ayon kay Presiden-tial Management Staff Cerge Remonde, mas makakabuti kung hindi na gagamit ng maraming sasakyan sa convoy ang mga Cabinet officials upang makatipid sa gasolina.
Wika pa ni Sec. Remonde, mas makakatipid kung hindi na rin sila gagamit ng mga 8-cylinder na mga sasakyan dahil mas malakas ku monsumo ito ng krudo.
Napag-alaman na kabilang sa mga miyembro ng Gabinete na mayroong maraming back-up vehicles ay sina Executive Secretary Eduardo Ermita, Press Secretar y Jesus Dureza at Energy Sec. Angelo Reyes.