Posibleng kanselahin ng Department of Trade and Industry (DTI)-Bureau of Products (BPS) ang PS Certification sa isang Indonesian car battery company pagkatapos mapatunayang bumagsak ang produkto nito sa DTI-BPS quality and safety standard test kamakailan.
Ayon sa DTI officials, ang mahigpit na pagpapatupad ng PS Certification ng DTI-BPS sa lahat ng consumer products ang maaari din maging basehan ng recall order ng naturang ahensiya ng mga GS Tropical Battery products na ibinebenta ng TPL Industries Sales Corporation.
Kamakailan ay ipinatawag sa isang pagdinig sa tanggapan ng DTI-BPS Adjudication Officer ang mga opisyal ng TPL Industrial Sales Corp. hinggil sa umano’y pagbasak sa quality and safety test ng kanilang battery products na GS Tropical Battery.
Nagsagawa ng external battery test noong March ng kasalukuyang taon at lumitaw na bumagsak ang GS Tropical Battery sa filled discharge test; high rate test at maging sa reserve capacity test na may kinalaman sa safety requirements na itinakda ng DTI-BPS.